Home / Sections / Dear Tita Eza / Lonely Table Just For One

Lonely Table Just For One

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Pacis

 

Dati akong Provincial Family Planning Coordinator; head of office for as long as I can remember. A year before our retirement, kinasal kami ni Arthur, counterpart ko sa Provincial Bureau of Agricultural Extension (BaEx). Nag-umpisa sa mga barangay pulongpulong (assembly) ng Governor’s Team For ice-breakers and intermission numbers, siya’y pambato namin, palibhasa maganda ang boses. Noon pa man, signature song niya, “Lonely Table Just For One.” Dahil sa mahilig din ako sa music, kung misan sinasabayan ko siya sa makabagbag-damdamin na love songs. Doon nag-umpisa ang kantiyaw na, “Two less lonely people in the world!” para sa aming dalawa.

Matagal na siyang biyudo, propesyonal na ang mga anak – isang doktor sa Arkansas, isang abogado sa Court of Appeals, Manila, at isang professor sa unibersidad sa capital city. Dating madre ang misis niya- maganda, magaling, mabait, galing sa elite na pamilya sa same town. Nagkasakit siya, lumabas sa kumbento, umentra si Arthur, di na nakabalik.

Ako naman, Tita Eza, ay isang career woman, nawili sa trabaho at wala sa sariling agenda ang love and marriage . In the first place, bilang panganay, inako ko ang responsibilidad sa pag-aalaga sa aming blind widowed mother, as well as sa pag-aaral ng tatlo kong kapatid, na sa ngayon ay nasa States ang dalawa, parehong nurses, at ang bunsong lalaki, empleyado sa kapitolyo, and his family ay kasama ko sa family house .Bilang pasasalamat, ginawa ako ni Nanay na administrador ng bahay at mga bukirin.

Akala ko love would be lovelier the second time around, pero,Tita, tama pala ang sabi nila na maraming namamatay sa maling akala!

Mula sa timog ng kabesera, lumipat ako sa family house nina Arthur, pa- hilaga naman. Binago nga lang, naging malaking mansion, pero nang nag-dedecorate ang anak niyang professor, inilagay niya ang life- sized portrait ng Mommy nila. Hanggang ngayon daw, it’s a family mystery kung bakit nagmahal pa ang Daddy nila ng iba! Dahil ba sa mayaman sila?

Ilang buwan lang ang nakalipas, nagkasakit si Arthur. Dinala sa Manila. Tumira kami sa bahay ng anak niyang abogado, dahil nurse ang asawa nito. Sa medical treatment ng mister ko, napuna ko,Tita Eza, na parang wala akong say.

Nagyaya ang anak niyang doktor sa Arkansas, para doon magpagamot ang Daddy nila. Binigyan siya ng ticket, ako wala, kasi meron daw naman akong retirement money from GSIS.

Nagkataon na nanganak ang pamangkin ko dito sa Park Ridge. Nagmakaawa ang aking Ate for me to babysit for the meantime dahil di pa siya retired. Iniwanan ko si Arthur sa Arkansas. Anyway, inaalagaan naman ng anak niyang doctor. Ngayon, magaling na siya at iniuwi na siya sa atin, sa kanilang family house.

Mag-four years old na ang baby girl na inaalagaan ko, at twoyear old boy ang sumunod; hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon! Engineer ang manugang ; architect ang aking pamangkin. May sarili silang construction company na nag-raradiate sa iba’t- ibang states. Ipinaubaya sa akin ang pag-alaga sa sa mga supling, sa tuwa ko lang dahil parang ito ang kabuuan ng aking dream to have a family!

Kami naman ni Arthur,sa Arkansas man o sa ‘Pinas, regular ang phone calls and private messages namin sa messenger, at hindi niya ako nakakaligtaang haranahin o di kaya mag- du-duet kami ng aming favorite songs; with closing number niya palagi, ” Lonely table just for one…..”

Tita Eza, ayoko ng umuwi; promise, hindi dahil sa green money, dahil may pension naman ako doon, kaya lang happy na ako rito, kung saan I don’t feel I am just a stranger, taking the place of someone else……..

Gumagalang, Perlita ———

 

Dear Perlita

Arthur and you are now in your bonus years, in the last trimester of your lives. Di ba sabi mo, dati siyang may sakit? What if something happens to him? Di ba nanumpa ka sa dambana ng “For richer or poorer, in sickness and in health, till death do us part….”?

Yung mga alaga mo na napamahal na sa’yo? Eventually, iiwanan ka din nila, balik sa mga magulang, then magbubukod na sila, like other American kids.

Your options kung uuwi ka ? Stay in your family house and help your brod build an extension; get a condo in Manila or in the provincial capital, kung saan ang neutral place.

Nasabi mo nga ang mga ayaw mo kung sakaling uwi ka sa kanila. Ano ba’ng gusto mo? What is it you really want? Two lonely people in the world pa rin?

Hindi sa iginigiit ko ang aking mga payo. Baka sabihin mo, Life is short, do not make it shorter. Oo nga naman, “If to do were as easy as to know what were good to do, chapels would have been churches, poor men’s cottages, princes’ palaces.” ( William Shakespeare)

Whatever, whatsoever, wheresoever, eto lang naman ang masasabi ko: Love cannot be demanded; it has to be earned.”

Nagmamahal, Tita Eza ——

Back in the Philippines, Pureza Ramiro Pacis used to be an elementary grades teacher, high school teacher, social worker rolled into one. A U.P. ABSW ’61 graduate, she retired as Asst. Regional Director of DSWD Region I, SFLU. Both from Vintar, Ilocos Norte, she and husband Nick have since been residing in Bartlett, Illinois for the past ten years now.

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top