Home / Sections / Dear Ate Lena / Batang In-Love Sa Kay Lolo

Batang In-Love Sa Kay Lolo

lena remigio

By: Lena Remigio

 

Dear Ate Lena,

Kasalanan kayang ma-in love ang isang batang kamukha ko sa isang matandang pwede ko nang maging lolo? Is something wrong with me, or is something wrong with him, or to both of us?

Ako ay isang tinatawag na single Mom, ang aking anak na pinalaki kong mabait, matalino at talented ay walang ama, in other words. Pero this is another story ng aking buhay.

Napapunta kami ng aking anak sa Chicago because nandito na ang aking immigrant family ahead of me. Kailangang ako ay magtrabaho para kami ay mabuhay na mag-ina at para siya ay aking mapag-aral at maibigay ko sa kanya ang iba pa niyang pangangailangan.

Ako ay nakakita ng isang secretarial job sa isang Pilipino firm na pag-aari ng mag-asawang dito na nagsitanda at nagkaroon ng comfortable life at beautiful family. Sa umpisa pa lamang ng ma-meet ko si Lolo ay napakabait na niya sa aming mag-ina, very thoughtful, very generous, at nabibigyan din niya ako ng pera paminsan-minsan. Ang kanyang asawa ay napakabait din sa aming mag-ina, at wala naman akong nakikitang diferensya sa kanilang pagsasama. Siya ay isang babaeng maganda at masipag.

Kami ay nagkikita paminsan-minsan ni Lolo na nauutusan ko rin namang to do things para sa aming mag-ina. Gustung-gusto siya ng aking anak at alam kong mahal din niya ang aking anak. Believe it or not, merong mga panahon na pwedeng-pwede pa siya sa sex kahit paminsan-minsan lang niya ako napagbibigyan.

Pero ako ay nagi-guiltihan at natatakot din naman na kami ay madiscover ng kanyang misis, at medyo mahina na rin naman siyang tumakbo. Hindi ko alam kung papaano siyang nakakatakas at mukhang takot pero loving naman siya sa kanyang wife. Kaya ako ay tumingin na sa isang medyo bata-batang boyfriend na talagang mainit pa sa sex although wala namang masyadong salapi. Alam kong galit si Lolo sa situation na pinasok ko kaya ako ay nag-quit na sa aking work. Napamahal na rin siya sa akin bilang isang side lover. Paano ko siya malilimutan?

LOLO’S LOVER

 

Dear Lolo’s Lover,

Sa ngalan ng pag-ibig ay walang edad na panipili ang tao. May kasabihan nga na, “O pagibig, pag pumasok kaninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang!” Ito ay totoong nangyayari sa buhay.

Kaya lang, bukod sa matanda na maituturing mo iyong Lolo, siya ay may-asawa pa. At ang isa pa, kilala mo pala ang kanyang asawa at bukod dito ang sabi mo ay mabait sa inyong mag-ina? Natural lang na magkaroon ka ng guilty conscience. Ang sabi nga huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo, Golden Rule sa Tagalog.

Kung minsan, may pagkakataon na ang isang tao sa hindi inaasahan ay nagkakamali na pumatol sa isang tao na may pananagutan na sa buhay. Ito ay madalas mangyari sa isang lalaki o babae na ang trabaho ay malayo sa kanyang pamilya. Pero iba ang situation ninyo. Kilala mo ang kanyang asawa na mabait sa inyong mag-ina at ikaw ay empleyado nila. Tinulungan nila kayong mag-ina, di ba?

Ngayon ikaw naman pala ay may batang boyfriend na. Bakit di ka na lang maging faithful sa kanya? Nabanggit mo na di siya masagana sa pera. Ano ba ang mahalaga sa iyo? Isang lalaki na single na hindi masagana sa salapi o isang lalaki na lolo na mayasawa; pero madatong?

Para ka naman yatang isang golddigger. Iyong una wala kang guilty concscience na makipag-relation sa isang matandang may-asawa na. Ang salapi ay di batayan sa kaligayan ng tao.

Di ba masarap mabuhay ng tahimik? Iyong wala kang masasaktan na tao. Sa pagdaraan ng panahon ay matutuhan mo ring makalimutan si Lolo.

Maging matapat ka na lang sa present boyfriend mo. Darating din ang panahon na makakalimutan mo ang pag-ibig mo kay Lolo. Hindi mo ba narerealize that you might just end up na isang caregiver ni Lolo? Mamahalin mo pa rin kaya siya kung taga-tulak ka na lamang ng wheelchair niya?

Good luck sa isang matahimik na buhay at wag mo nang guluhin pa.

Ate lena

Leave a Reply

Scroll To Top