Press Release
Home / Sections / Dear Tita EZA / Wind Beneath My Wings

Wind Beneath My Wings

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Mag- best friend kami ni Tereza. HindI lang kami magkalapit ng bahay, mag-classmate pa kami from Grade I to High School. Para kaming magkapatid – naghihiraman kami ng libro, pera, damit at mga gamit sa bahay. Only child siya ng may-ari ng kaisa-isang botika sa amin.

Nang mag-college kami, pa-Manila siya to take up Pre-Med, samantalang naiwan ako sa probinsya to take up Nursing .

Nang dahil sa active siya sa Student Council, nakasama niya ang kapwa niyang pre-med student. Sa dami ng kanilang activities, naging close sila, at nagkaintindihan. Nagulat na lang kami ng umuwi siya sa probinsya, at ipinanganak ang kanilang bunga ng kanilang pagmamahalan. Ayaw na niya sanang ipaagpatuloy and kurso niya, nakumbinsi din ng Mommy niya na bumalik siya sa Manila, ipagpatuloy ang Pharmacy, bilang tagapagmana sa pamamahala ng botika.

Iniwan niya ang kanyang baby sa kanyang parents. Ako naman, bilang primary Ninang, kung may vacant time, bumibisita ako upang mag-alaga at makipaglaro sa aking inaanak, kaya kami naging lalong close. Hanggang sa nag-graduate na rin ako. nag-Board, nag- NCLEX, napadpad ako dito sa Chicago.

Subsob sa trabaho, and I think I made good, nakaipon ako para sa down payment for an apartment ko sa Higgins, malapit sa ospital na pinagtratrabuhan ko. Nasa basement, cozy at romantiko. Nawili ako sa pagaayos nito, hanggang sa binigyan ko na rin ang sarili ko ng konting kaligayahan. Na-meet ko si Danny, isang computer engineer sa downtown. Maamo, suave, karinyoso, masayang kausap, nahulog sa kanya ang damdamin ko at kami’y nag-exchange vows.

Masaya kami ni Danny na para kami’y mag-boypren lang, hanggang sa nakatanggap kami ng sulat galling kay Tereza. After her graduation daw, natanggap siya sa isang tanyag na pharmaceutical company sa Manila, and after years of satisfactory performance, nabigyan siya ng pagkakataon for a one-year observation and study grant for pharmacy technician sa Walgreens Univerity sa Deerfield, Illinois. Pwede raw ba siyang tumuloy sa amin?

Sumagot naman kami. Appub ang request niya to stay with us sa Higgins dahil walang problema sa bus papuntang train station to her training site. Hindi lang yon; strategic, very easy to go to downtown to make pasyal , and to Rivers Casino para magliwaliw, one-ride lang.

‘Yon na nga ang nangyari. Tereza and Danny took to each other like water to chocolate. Chemistry, kung baga, so walang problema. We were a threesome! Kaya lang, madalas ko silang naiiwanang dalawa sa bahay. Kung busy ako sa trabaho, at hindi ko siya masasamahan sa kanyang mga lakad, si Danny ang kanyang driver. Ipinasyal niya sa sa mga tourist spots sa Chicago, kumakain sila sa labas, nawili silang naglalaro sa casino, lalo na kung crabs day tuwing Miyerkoles. Eventually, naging madalas na ang minsan, kahit hindi na sila magkotse, mag-bus na lang sila.

Nabigla na lang ako nang sa second semester, nagpaalam sa akin ang aking best friend. Nahihirapan daw siya sa pagsakay-sakay ng train, kaya kumuha na lang sya ng room -for -rent na malapit sa training site. Hindi ko nga lang pabirong natanong kung may dagdag ang living allowance sa kanyang grant o nananalo siya sa casino!

Minsan, naisipan ko nga syang bisitahin. Sa gusto ko siyang sorpresahin, ako tuloy ang na-sorpresa; doon din pala tumutuloy si Danny! Hiram na sandal!

Sabi nga nila na “Hell hath no fury like a woman scorned.” Tita Eza, Ibinuhos ko ang aking poot! Pati si Danny di na rin alam kung saan siya susuot at ako din, wala na akong pakialam.

Taon na ang lumipas, Tita Eza, nang nakatanggap ako ng sulat mula sa atin, galing sa mga parents ng aking best friend. May sakit daw si Tereza at tinatanong nito kung gusto ko raw ba siyang makapiling sa kanyang huling mga sandali. Hindi pa sapat ang years of service ko for me to retire, Tita Eza, pero inavail ko na ang early retirement.

Pangkasalukuyan. nandito ako sa atin, para alagaan ang aking best friend, at pansamantalang inayos ko na rin ang in-file ko na petition for adoption ng aking ihada, na dalagita na.

Eh, si Danny? Nabalitaan naming na may bago na naman siyang kinakasama.

Gumagalang, Minda

—————–

Dear Minda:

Parang napanood ko na ito,. If I’m not mistaken, “Beaches” kung saang sumikat si Bette Midler sa kanyang “Wind Beneath My Wings”. Truth nga naman is stranger than fiction, ano? Napakasakit kung ikaw mismo’ng matamaan. Hanga ako sa’yo, Minda, dapat mapatayuan ka ng momumento.

“ No one has greater love than a person who lays down his life for his friends.’ John 15:13

Nagmamahal, Tita Eza

—————–

“Dear Tita Eza” is based on true stories. However, names, have been changed and circumstances Fictionalized to protect the identity of the characters involved. Anny similaraties whatsoever are purely coincidental

——————-

Back in the Philippines, Pureza Ramiro Pacis used to be an elementary grades teacher, high school teacher and social worker rolled into one. An ABSW ’61, UP Diliman and MDM’99 AIM, Makati graduate,she retired in 2004 as Asst. Director of DSWD Region I, SFLU Both from vintar, Ilocos Norte, she and husband Nick Pacis have since been residing in Barttett, Illinois for the past eleven years.

 

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top