Press Release
Home / Sections / Dear Tita EZA / Pinutol Ang Sanga Ng Puno

Pinutol Ang Sanga Ng Puno

pacita-ramiro-pacis

By: Pureza Ramiro Pacis

 

Dear Tita Eza:

Magkapit-bahay kami ni Jim. Sa pagitan ng aming bahay ay ang itinanim kong peach tree .Maliit pa naman noon, pero for the past years makikita mo na umusbong at ang mga branches niya ay nakakarating na ober the bakod. Nasuya na siguro si Jim, pinutol niya mga sanga, pero nagulat na lang ako noong itinapon niya uli’ng mga ito sa bakuran namin.

Bagong dating siya, last month lang. Kamakailan, na-transfer kasi sa Texas ang dating nakatirang American couple, na ang bait-bait. Etong si Jim ay di puti, di rin colored, di rin Pinoy. Dinig namin sa ibang kapitbahay, galing yatang Mauritius.

Noon pa man,napuna na namin na may pagka-introvert siya. Hindi palangiti. Palabas siya sa umaga, pauwi sa hapon. Makikita na lang namin siya sa weekends kung nag-wawalk siya ng kanyang dachshund, at kung masasalubong namin siya sa harap ng bahay o sa park, hanggang the usual, standard, ‘Good Morning’ , ‘How are you?’ na lang ang aming batian.

Tapos , ngayon, tinapon sa aming front yard ang mga pinutol niyang mga sanga ng kahoy!

Ano kaya kung susugurin ko siya at ipamukha sa kanya ang batas na kung kaninong bakuran ay at kanya- kanyang lilinisin? Kahit wala kaming kapitbahay,Tita Eza, kung ganyan ang pag-uugali!

Gumagalang, Alex ———-

 

Dear Alex:

Naintindihan naman kita, kaya lang, di ka kaya medyo pabugso- bugso, at pabigla-bigla ka rin sap ag-solve ng iyong neighbor problem?

Alam ko na dito sa bagong bayan natin ay matindi ang batas. Konting pagkakamali mo lang, fundamental rights na ang umiiral. Pero wala na rin bang ibang paraan sa problema ninyong magkapit-bahay?

Hindi kaya na puede itong pag- usapan muna? Dinaan mo na ba sa proceso?

Ibig kong sabihin, nag-try ka ba na kausapin siya? You can always disagree without being disagreeable. Anong malay mo, baka after ng confrontation ninyong ito, magiging close friends pa kayo habang- buhay. Maraming nangyayaring ganyan. Baka maskara lang niya ang kanyang pagiging unfriendly. Tuklasin mo muna kung anong klaseng tao siya.

Sige, Alex, gumawa ka ng plano. I-consider mo ang right timing, huwag mo siyang kausapin kung medio alanganin. Strategize. Sabayan mo ng tamang facial expression. Always remember, honey catches more flies than vinegar. Get ready with options. Ano ba ang dapat gawin ng isa’t isa sa inyo?

Itanong mo sa akin kung kabaligtaran ang inaasahan mong mangyayari, at ibabahagi ko sa iyo ang nabasa kong Buddhist vision: “Never regret being a good person to the wrong people. Your behavior says everything about you, and their behavior says enough about them.”

Remember: It’s not about finding a good neighbor; it’s being one first.

Good Luck, Tita Eza

Back in the Philippines, Pureza Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW ‘61 graduate from the University of he Philippines (UP, she retired from the Department of Social Welfare and Development in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been residing in Chicago with hubby Nick for nine years now.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top